Impormasyon hinggil sa pangangalakal ng tao para sa layuning pagsasamantala sa trabaho sa Hamburg
- Ang iyong mga kalagayan sa pagtatrabaho ay hindi kayang tiisin/hindi katanggap-tanggap,
- Ikaw ay bina-blackmail at napipilitang gawin ang isang trabahong ayaw mong gawin,
- Ikaw ay walang tinatanggap na sahod o tumatang- gap ng napakaliit na halaga,
- Kailangan mong magtrabaho nang mas maraming oras kaysa sa ibang tao,
- May kilala kang nangangailangan ng tulong,
- Nais mong makakuha ng ilang impormasyon,
Tawagan mo kami!
Ang pagpapayo ay kompidensiyal.
Hindi kami gagawa ng anumang bagay nang walang pahintulot mula sa iyo.
PAGSASAMANTALA SA TRABAHO
Ilang mga halimbawa:
- Ikaw ay pinupwersang gumawa ng mga mapan- ganib na trabaho.
- Hindi ka binibigyan ng anumang pananggalang na kasuutan sa trabaho.
- Kinuha sa iyo ang iyong pasaporte o mga doku- mento sa pagbiyahe.
- Ginigipit ka ng iyong amo dahil sa mga pagka- kautang.
- Wala kang natatanggap na sahod o tumatanggap ng napakaliit na halaga kapalit ng iyong pagtat- rabaho.
- Ikaw ay inaabuso, binabantaan o bina-blackmail.
- Ikaw ay binabantaan dahil wala kang permiso o mga ligal na dokumento upang magtrabaho.
- Ikaw ay hindi binibigyan ng bakasyon o araw ng pahinga.
- Ikaw ay hind pinahihintulutang pumunta sa dok- tor kapag ikaw ay may sakit.
- Ikaw ay hindi pinahihintulutang kumilos nang malaya o di kaya ay kinokontrol ng iyong amo.
Kung alinman sa mga punto sa itaas ay naaangkop sa iyo, ikaw ay maaaring biktima ng pangangalakal ng tao.
Kahit pa nauna kang sumang-ayon dito.
MATUTULUNGAN KA NG KOOFRA!
Ang KOOFRA
- ay sumusuporta sa mga kinakalakal na tao
- ay isang nagsasariling organsisasyon
- ay nagbibigay ng payo at impormasyon
Ikaw ay may karapatan sa suporta at tulong!
- Papayuhan ka namin.
- Ang lahat ng mga diskusyon ay hindi pinapanga- lanan/kompidensiyal.
- Hindi kami nagbabahagi ng anumang imporma- syon.
- Ang mga miyembro ng aming kawani ay mula sa parehong bansang iyong pinagmulan o nagsasa- lita ng iyong wika.
Ano ang maiaalok ng KOOFRA?
- Tulong sa pag-oorganisa: Matutuluyan, Pangangalagang medikal, Mga benepisyo mula sa Gobyerno, Libreng tulong-ligal
- Pagsama tuwing makikipag-usap sa awtoridad
- Tulong sa pag-aasikaso ng pasaporte
- Batay sa kahilingan: pagsama kapag kakausapin ang pulisya
- Batay sa kahilingan: inalalayang boluntaryong pagbalik sa iyong bansang pinagmulan
- At marami pang iba